Her Remorse

I once imprisoned myself
In a cage of sadness.
I drowned myself with my own tears.
I embraced the feeling of
Loneliness’ chain around my neck.
I once lived a life of blue
I was a pool of mess
I didn’t know any other feelings
Except melancholy.

Until I was given a shot
To taste a dip of happiness.
It was nice.
It was a mixed feeling of
Being freed from the chain
that held me from a long time
And being rescued from drowning
in a sea of tears.
I wish I knew before that
There exist happiness just beside sadness.

Taka

Minsan nagtataka ko

Kung anong klaseng paggalaw ang ginawa ng uniberso

Para magkatagpo tayo sa mundong ‘to.

Tinulak ba nya ko sayo

O hinila ka ba nya palapit sakin?

Binilisan ba nya ang pag-ikot para sabay tayong

mahilo at magtapo sa gitna

O binagalan nya hanggang sa ang mga paa na mismo natin

ang nagdala satin sa isa’t-isa?

 

Minsan nagtataka ko

Kung anu-anong magagandang bagay ba ang nagawa ko

para biyayaan ako ng kagaya mo.

Sobra ba kong naging mabait?

Dahil ba hindi ako nagtatanim ng galit?

O baka naman dahil sa araw-araw kong pagdadasal bago pumikit?

Kasi alam mo, dati palang talaga ito na yung hinihiling ko ng paulit-ulit.

Kaya rin siguro binigay ka para matigil na ko sa pangungulit.

 

Minsan nagtataka ko

Kung paanong ikaw pa sa lahat ng nandito sa mundo.

Anong meron sayo?

Anong ipinagkaiba mo?

Minsan nga nagdududa na ko.

 

Hanggang sa matuklasan ko ang mga bagay tungkol sayo.

Hanggang sa maramdaman ko kung gaano ka katotoo.

Hanggang sa matutunan kong intindihin

ang bawat bulong at sigaw ng puso mo.

Kung paanong kaya mong tuparin ang lahat ng mga pangako.

Kasi nga sabi mo, ang pangako dapat tinototoo.

At higit sa lahat, hindi mo kayang biguin ako.

 

Minsan nagtataka ko

Kung bakit nga ba ako?

Bakit nga ba tayo?

Pero titigilan ko na ang pangunguwestyon

Basta ang alam ko maswerte ako.

Maswerte ako.

Dahil sayo.

Pitong Rason Kung Bakit Hindi Dapat Ako Mahulog Sayo

Pitong rason kung bakit hindi dapat ako mahulog sayo.

Una, masyado kang masakit sa mata.

Sa tuwing makikita kita para bang may sariling buhay ang mga mata ko na sunod nang sunod sayo

at wala kong magawa para pigilan to

Kaya oo, masakit ka sa mata at ayoko nito.

Pangalawa, para kang bata. Makulit. Mapang-asar. Matampuhin.

Ayoko sa kumplikado.

Yung hanggang ngayon may mga bagahe pang dala mula sa nakaraan at yon ang pangatlo.

Pang-apat, ayaw nila sayo—nilang mga kaibigan ko. Bakit?

Dahil panglima at pang-anim, yung mga katulad mo raw yung tipong hindi nagseseryoso.

Yung mga tulad mo raw yung halatang sa una lang magaling pero bigla nalang maglalaho

At pangpito, hindi dapat ako mahulog sayo dahil masasaktan lang ako.

At takot ako. Na masaktan.

Takot akong mahulog sa mga gaya mo pero wala akong magawa.

Dahil sa pitong rason na meron ako, walo ang meron ka para mahalin ko.

‘Yang mga mata mo na para bang palaging nakikipag-usap sa mga mata ko

kaya naman walang tigil ang sunod nito sayo

Pangalawa, ‘yang mga biro mo na kahit na minsan kinaiinisan ko

ay sya rin namang dahilan ng mga ngiti at tawa ko.

Pangatlo, hindi mo man alam pero napapalabas mo yung totoong ako.

‘Yang ugaling meron ka na kinaaayawan nila

Na akala ng iba ang babaw lang pero hindi naman talaga

‘Yang ugaling meron ka na sakin mo lang totoong ipinapakita, yan.

‘Yan ang pang-apat at panglima.

Pang-anim, seryoso ka. Seryoso ka sa maraming bagay.

Siguro nga ako lang ang nakakakita pero sigurado ako na hindi lahat ng bagay ay laro lang para sayo.

Pangpito, ang tapang mo. Dahil kaya mong sabihin lahat ng nararamdaman mo, hindi gaya ko.

Kaya mong pumusta kahit wala namang kasiguraduhan ang pagkapanalo mo.

Pangwalo at ang pinakagusto ko, ikaw ka.

Wala kang ibang ginagawa kundi ang maging ikaw lang

Kaya paano ako hindi mahuhulog sayo?

You were once my someone
My rainbows and butterflies
My stars and sunshines
You were once my bliss
The reason to my loudest laughters
Down to my sweetest smiles
You were that someone I believed in
That someone I trusted with no doubts in between
You were my ‘go-to’ person
My ‘every’ buddy
My shoulder to lean on
You were basically my safe zone
My haven and my home

Because once upon a time,
We met each other.
Fate found its way for us to be together
And suddenly we clicked
We became something platonic–
And even more than that.
We were partners in crime
We were inseparable
We were solid
We were each other’s everything
And I thought we were endless

But you became so distant
You became cold
Your hands intertwined in mine 
slowly loosened its hold.
You became someone you promised you never be
You changed…
And you forgot me
We were not the same as before
We grew apart
And then we were nothing

You took me so high just to left me hanging
You pulled me close just to pushed me away
You made me whole just to crashed me into pieces
And how I wish you didn’t.

   —here’s to our fleeting moment

Hindi Na Tayo Yung Dati

Meron. Merong nagbago.
Kahit hindi mo sabihin
Kahit hindi natin aminin
Alam nating may nagbago
Hindi na ikaw yung dating kilala ko.
Hindi na ikaw yung palaging kasama ko
Hindi ka na natatawa sa mga biro ko
Iba na yung trip mo sa trip ko.

At hindi na rin ako yung dati.
Hindi na ko yung malakas tumawa
Hindi na ko yung isang yaya mo lang nandyan na
May mga bago na kong kakilala
At nakakalungkot man pero ganun siguro talaga

Hindi lang satin umiikot ang mundo
Hindi lang tayo ang nabubuhay dito
Alam kong marami tayong napagkasunduan at ipinangako sa isa’t-isa noon
Pero ganun nga siguro talaga
Hindi lahat ng sinabi mangyayari
Hindi lahat ng ipinangako, matutupad.
May mga bagay na unti-unti nalang mawawala ng hindi natin namamalayan

Tulad ng nangyari satin.
Yung dating masaya lang, ngayon punong-puno ng drama
Yung dating simple lang, ngayon sobrang kumplikado na.
Dati naman kasi magkasama lang tayo ng saglit, ayos na
Pero bakit ngayon ang daming kulang?
Ang daming hinahanap
Ang daming kailangan
Ewan ko, siguro nga kasabay ng maraming kulang ang maraming katanungan.
Katanungan na hindi natin alam kung pano bibitawan ng walang nasasaktan
At kasagutan na parehas naman nating alam, takot lang tayong aminin kaya nagbubulag-bulagan.

Sabi natin noon mahuhulog tayo ng sabay
Tama, nahulog nga tayo ng sabay
Pero hindi sa isa’t-isa tayo bumagsak