Bitaw Na

Paano mo malalaman kung kailan tama na?
Yung tapos na, tigil na, awat na, sobra na. Paano nga ba?
Siguro kapag umaapaw na yung tubig sa timba, tama na
Kailangan nang patayin ang gripo para hindi na umapaw pa at masayang lang.
Siguro kapag umiingay na at unti-unti nang nauubos ang mga tao sa sinehan, tapos na
Tapos na ang palabas; tumayo ka na rin, umuwi ka na.
Siguro kapag nagkukwento ka tapos wala namang nakikinig, tigil na
Itigil mo na dahil wala naman silang pakialam, mukha ka lang tanga
At kapag umuulan, alam ko namang paborito mo ang ulan pero awat na.
Minsan kailangan mong sumilong at isalba ang sarili mo sa pagkakabasa kasi ayon ang dapat.
Ayon naman dapat kasi ayon ang tama.
Mas tama na minsan isipin mo naman ang kahihinatnan ng sarili mo
bago ka sumugal sa mga bagay na panandalian lang na makapagpapasaya sayo.
At wag mong iisiping humuhugot lang ako kaya sinasabi ko to sayo
kasi ang totoo?
Kapag pinili mong magpakabasa at manatili sa ulan, magkakasakit ka.
Kapag pinili mong manatili at magpakatanga
sa isang taong wala namang pakialam sayo, masasaktan ka.
Oo, alam ko naman kaakibat ng pagmamahal ang sakit
Pero hindi naman sinabing magbulag-bulagan ka at tanggapin mo nalang
ng tanggapin lahat ng sakit na ibabato nya dahil lang sa mahal mo sya.

Siguro dapat minsan matuto kang sumuko.
Kapag sa tingin mo nagawa mo na lahat ng dapat mong gawin
pero wala pa din, tigil na.
Kapag sa tingin mo naibigay mo na lahat ng pagmamahal na meron ka
pero ayaw pa din nya, awat na.
At kapag sa tingin mo wala nang patutunguhan, tapusin mo na.
Tapusin mo na dahil sobra na. Hindi na tama at mas lalong hindi na dapat.
Kasi kung tutuusin, ang pagmamahal ay hindi naman dapat nananakal.
Kapag sa tingin mo hindi na nakakabuti sainyo at lalong-lalo na sayo,
bitawan mo na dahil hindi naman lahat ng pagkapit ay may naidudulot na maganda.
Minsan sa sobrang pagkapit hindi mo na nakikita ang mga bagay
at tao na mas makapagpapasaya pa sana sayo.
Hindi mo na namamalayan na lahat sa paligid mo nagbago na, ikaw nalang ang naiwan.
At kung mamarapatin mo lang sanang buksan ang mundo mo sa iba,
Doon mo malalaman na ang pag-ibig pala ay hindi lang ikaw at sya
na nakakulong sa mundo nyong matagal nang nawalan ng buhay
Kundi ang pag-ibig pala ay pwedeng magkahiwalay na ikaw at sya
na masaya at malayang tinatahak ang bagong mundo
kasama ang mga bagong tao sa buhay ninyong pareho.

Advertisements

4 thoughts on “Bitaw Na

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s