Ikaw ang Pangmatagalan ko

Sabi nila sa buhay daw ng isang tao, may mga darating na pangmatagalan at pangmadalian.
Meron daw sasaktan ka,
meron naman pasasayahin ka.
May mga taong aalalayan ka,
pero may mga tao rin namang pababayaan ka.

Palaging merong dalawang uri ng tao.
Yung nandyan lang pag may kailangan,
at yung palaging nandyan kahit di mo sya kailangan.
Yung dadamayan ka sa lahat ng emosyon,
at yung dadamayan ka sa pili lang– yung sa masaya lang.
Palaging dalawa at taliwas.
Yung nang-iiwan sa ere
at yung sasamahan kang mahulog. Yung itutulak ka pababa
at yung iaangat ka pataas.
Yung ihaharap ka sa tama
at yung ihaharap ka sa mali.
Yung natutuwa sa tagumpay mo,
at naiinggit sa tagumpay mo.
Sa lahat ng bagay na nabanggit ko
at hindi ko pa nababanggit,
Masaya kong sabihin na lahat ng positibo don, ikaw yon.

Ikaw yung nagpapasaya.
Ikaw yung umaalalay.
Ikaw yung palaging nandyan kahit hindi naman talaga kailangan–
kahit hindi naman ganoon kaimportante–
basta isang tawag lang nandyan ka na.
Ikaw kasi yung tipong dadamay hindi lang sa saya.
Dadamay ka sa lungkot, sakit, hirap
Yun nga lang, mang-aasar ka muna.
Pero… okay lang naman yun.
Ikaw naman kasi yung taong nakasanayan kong nang-aasar sakin.

At kung tatanungin ako kung ano ka sa pamagitan ng ere at lupa,
Walang pagdadalawang isip na sasabihin kong ikaw yung lupa.
Hindi dahil sa mababa ang tingin ko sayo o kung anuman,
Kundi dahil alam kong mas pipiliin mong samahan akong mahulog kaysa ang iwan ako sa ere.
Masyado akong tiwala sayo e.
Tiwala ako na ikaw yung isa sa mga taong kahit kailan hindi ako itutulak sa mali.
Ikaw yung kabilang sa iilan na totoong natutuwa sa bawat tagumpay ko.
At alam ko, oo, may mga tao sa buhay ko na panandalian lang
pero sigurado akong hindi ikaw yon.
Hindi ikaw yung taong “napadaan lang” at sa huli mang-iiwan dahil naniniwala ako
Na ikaw yung taong mananatili at sasamahan ako hanggang sa huli.
Dahil oo, ikaw ang pangmatagalan ko.

#ForJai

Advertisements

One thought on “Ikaw ang Pangmatagalan ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s