Ikaw, babae

Ikaw. Ikaw na palaging mag-isa
Mag-isang umaalis, mag-isang umuuwi
Madalas walang kasama
At mas madalas ka-date ang sarili
Kaibigan…
Pamilya…
Oo, ikaw na walang lovelife.
Ikaw na palagi nalang third wheel ang ganap.
Kung minsan fifth wheel pa pag double date pala sila.

Ikaw, na siguro nawalan na ng pag-asang umasa.
Yung sa sobrang tagal napagod na maghintay ng para sakanya.
Ikaw siguro yung tipong napakataas ng pamantayan,
Sa sobrang taas hindi na mapantayan.

At ikaw. Ikaw na kinulang ng kumpiyansa sa sarili.
Sobrang kinulang kung kaya’t minsan ay umaabot ka
sa puntong iniisip mo nang pangit ka kaya hanggang ngayon single ka
Bakit? Hindi ba pwedeng maganda ka tapos bulag lang sila?
Hindi ba pwedeng hindi ka lang nila ganoon kakilala
kaya hindi nila alam na may mas igaganda ka pa?
Maraming magaganda na single at tandaan mo,
Kahit kailan hindi ikinabawas ng ganda mo ang pagiging single mo.

Ikaw. Ikaw din. Ikaw na palaging masaya.
Ikaw na para bang walang problema at palaging nakangiti kahit pa sabihing nasasaktan na.
Ikaw siguro yung tipong madalas naloloko
Sa sobrang dalas, nadala na
Sa sobrang paulit-ulit, paulit-ulit nasanay na.
Sa sobrang paulit-ulit, paulit-ulit natakot na.
At sa sobrang paulit-ulit, paulit-ulit namanhid na
Oo, ikaw. Ikaw na kinukulit nila kung ba’t hanggang ngayon single pa.
Hindi naman masama kung ayaw mo lang…
Ayaw mo muna…
Ayaw mo pa…
O kahit pa ayaw mo na.
Wala naman kasing masama kung mahalin muna ang sarili.
Yung maging masaya kahit mag-isa.
Yung kiligin at makuntento muna sa storya ng iba.
Wala  naman kasi talagang masama kung hindi ka pa handa
Kaya ikaw, ikaw na nanonood sa’kin ngayon
Matatapos na ‘tong tulang to kaya’t makinig kang mabuti sa sasabihin ko.
Ngumiti ka at ipakita mo kung paanong ang ganda mo
ay nagniningning mula sa loob hanggang sa labas ng pagkatao mo.
Ngumiti ka at ipakita mong may halaga ka at hindi ka lang basta-basta
At panghuli, ngumiti ka na para bang hindi ka nag-iisa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s